got this from someone else's multiply site..my comments at the end of the post
"10 types ng manliligaw!"
1. Mr. Gwapings
>> mayaman, gwapo, kilala, at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at teyk note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing "sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman sya! pwe!"
2. Mr. Quickie
>> ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o kaya "i love you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.
3. Mr. Everything
>> linya nya ang "sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo." ! @#$ ka na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan.
4. Mr. Stalker
>> eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong "nsan ka ngayon?" "sinong kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu- ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kelangan malaman nya.
5. Mr. Take it or leave it
>> pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.
6. Mr. Salesman
>> dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. yun bang tipong.."ang ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang lambot ng mga kamay mo" at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.
7. Mr. Good Dog
>> eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.
8. Mr. Anonymous
>> motto nya ang "action speaks louder than words". wala kang kaalam- alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait- bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. hehe!
9. Mr. Second chance
>> sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag- asa ang sasabihin nya parin "Please give me a second chance"
10. Mr. Romantiko
>> jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan nya dahil sa kanyang "malinis na hangarin" awww!
Manliligaw is common here in the Philippines, and maybe in the other "more conservative" countries as well. I may seem paranoid when I say this but, somehow, I think courtship is where two people tend to put their best feet forward just to impress the other party. This is so impractical, since after a few years, you can get tired of holding a "mask" when you are together, and you will want to let your true self come out.
I'd prefer to start out as friends...that way you will be able to know each other better,and you don't have to be alone too. You can go out with other friends, hang out. Although the downside is that, you may feel awkward if it doesn't work out.
No comments:
Post a Comment